Ampalaya

Project Felicity

Simula ngayong araw na ‘to, 121412, ay nangangako akong magiging masaya na lang para sa lahat ng bagay. Nandiyan naman Siya for me. Hindi n’ya ‘ko papabayaan. God is always good.

Paalam sa ampalaya days!

"When we first met, I had no idea you would be so important to me."

Sobrang tagal na nitong banner ko dito. Siguro, may 5 months na rin. Para pa ‘to kay *ano* eh. Pero ngayon, parang para na ‘to sa best friend ko.

Kanina, gusto kong umiyak, pero hindi ko magawa.

Kagaya ng post ni Rozel na itoMay hinanakit din ako. Takot din ako sa mga pwedeng mangyari. Takot akong may maulit. Pero, hindi ako takot magtiwala ulit.

Yung first love ko na best friend ko nung elementary. Umalis, iniwan lang ako. Pero, since first love ko ‘yun, at wala pa akong muwang nu’n, friends pa rin kami hanggang ngayon.

Yung unang lalaki na nagustuhan ko nung high school. Buong high school ata super gusto ko ‘yun eh. Pero, wala rin, ang gulo n’ya lang. Yung alam mong special kayo sa isa’t isa, pero walang kinahantungan. Friends pa rin naman kami, pero hindi na kasing close nung dati.

Yung lalaki na una kong naka-MU. Ginago lang ako, at may nililigawang iba. Ngayon? Ewan ko, asar pa rin ako sa kanya. Pero, friends na kami.

Yung lalaki na ipinaglaban ko sa school. Pero, nakipaglandian lang sa harap ko. Sinira lang yung tiwala ko. Eh ngayon? Graduating pa lang s’ya ng high school. Nasaan na yung "Mahal na mahal kita, hindi ako kagaya ng iba." mo? Nasaan na yung mga promises mo? Wala na, diba?

Yung lalaki na inuto-uto lang ako. Clue? Marine s’ya! Secret na lang kung sino. Pero, friends kami. Friendly? Lahat na lang friend!

Yung lalaki na iniwan ako sa ere. Walang sabi-sabi, walang paliwanag, nagdahilan lang, iniwan lang ako, trip n’ya lang ata? Eh ngayon? Friends na kami. Nasaan na yung "Hindi kita iiwan, kasi alam kong kailangan mo ‘ko." mo? Nasaan yung mga sinabi mong hindi ikaw, diba naging ikaw ‘yun ngayon?

Yung lalaki na iniwan ako sa ere. Pero, may paliwanag, may dahilan, at naiintindihan ko s’ya. Friends rin kami. Told you, friendly ako. Mabilis akong magpatawad.

Minsan, napapaisip ako, sino bang may kasalanan? Ako o sila? Minsan, sinisisi ko na lang yung sarili ko. Mas gusto ko yung ganito na wala akong iniisip kung hindi ko yung pagmo-move on ko at yung kaligayahan ko. Ayoko na muna ulit. Baka, may maulit na mali. Doon ako natatakot eh.

Nasaan yung mga pangako n’yo? Nasaan yung mga sinabi n’yong hindi n’yo gagawin? Diba ginawa n’yo rin? Hindi na iba sakin kung may dadating pa’t manloloko lang ulit. Kaya nga isa lang naging boyfriend ko eh. Kasi, nagsisimula pa lang, iniiwan na agad ako.

Ewan ko ba?

Pero, wala na talaga ‘kong nararamdaman. Kaya ganito, kasi ‘di ako sanay na nagpapansinan kami ulit. Siguro naman hindi mahirap intindihin ‘yun, ano?

Chamie,

Ito na yung promise ko sayo. Sabi ko sayo mag-po-post ako ng tungkol sayo. Una sa lahat, tantanan mo na kami. Matagal na kaming nanahimik. Tama na. Nakakainis isipin na tinalikuran ko na nga yung paghihintay na sinasabi ko noon, para mawalan na ng gulo. Pero, pinaalala mo pa rin. I hate you, kung sino ka man.
 

Tigilan mo na kami. Hindi na kita papatulan. Manahimik ka na. Please, tigilan mo na rin yung pagbabasa mo sa blog ko. Hindi makakabuti sayo. Nagiging psycho ka na e. Tama na ang mga ilusyon. Tapos na ang lahat, okay?

Tigilan mo na kami.

Saan ba galing ‘tong katangahan na ‘to?

Ayoko na, pero tuloy pa rin ako.

Hindi ako papayag..

..na mawala ka pa ulit sakin.

Thank you for..

..everything.

For leaving me, for staying away from me, and for being friends with me again. I really don’t get you.