Sabaw
Madaldal V 2.0
Ayos lang naman yung maging madaldal eh. Actually nakakatuwang kausapin ang taong madaldal ayon sa mga friends kong tahimik. Ang ayaw lang nila e yung mga palengkera. Hindi mo naman kailangang isigaw palagi yung mga gusto mong sabihin o ibahagi. Not at all times din e kailangan ng full energy sa isang gawain. Minsan kailangan mong magbawas ng kape or volume ng boses kapag yung mga kasama mo ay may class at breeding. Walang masama na maging iba ka sa kanila (in terms of being loud) pero sana alam mo yung limit mo. Yung mga tao din kasi sa paligid mo may limit din ang pasensya.
Wanted: Taong ituturing akong tahanan at hindi waiting shed na kapag tumila ang ulan ay pwede na rin akong iwan.
Megaphone ka ba? Bakit? Masama bang magtanong?
Nilandi mo ‘ko kasi bored ka? E kung patayin kita kasi bored ako?
Sinabihan ka lang na maganda ka, naniwala ka na! Madaming malalandi at bolero sa mundo ‘no.
Dinaig mo pa yung bula sa sobrang bilis mong dumating at mawala.
Someday
May dadating din na lalaki na kayang pagtiyagaan yung ugali ko. Dadating siya at mamahalin niya ‘ko. Wala siyang hihingiing kapalit. Ako lang mismo ay sapat na sa kanya. Hindi niya hihilingin na magbago ako para sa kanya dahil tanggap niya ‘ko bilang ako. Ibibigay niya ang lahat sa akin para ‘di ako mawala dahil mahal niya ‘ko at mahalaga ako sa kanya. Sasamahan niya ‘kong magsimba dahil alam niyang mas titibay ang isang relasyon kapag nasa loob ng mga puso namin ang Diyos. Hindi niya ako iiwan at ipaglalaban niya ako. Hindi siya bibitaw.
Blog to express, not to impress.
Kung may maipapayo man kami sayo ngayon, ito na siguro ‘yun. Balang araw ay lalamunin ka rin niyang pangarap mo na maging sikat sa Tumblr. Obvious masyado yang gusto mong mangyari. Ingat ka na lang sa mga ginagawa mong ways para sumikat. Hindi mo alam na mga kaibigan mo na yung nawawala sayo ng unti-unti.
Friends > Fame
Tandaan mo na kaming mga kaibigan mo pa lang ang tumatanggap sayo dito. Kung patuloy mong ipagsisiksikan ang sarili mo sa iba. Ano pang magiging lugar namin sayo? Ano pang lagay namin diba? Sana magbago pa yang pangarap mo. Kung hindi man magbago, sana ‘wag kami ang isugal mo.
1 / 14 »